Principles of Powerful Prayer – TGL
“Ngunit si Jesus naman ay pumupunta sa mga ilang na lugar upang manalangin” (Lukas 5:16)
Sinabi sa atin sa Santiago 5:17 na “Si Elias ay isang tao na tulad din natin,” subalit naging kasangkapan siya sa ilang mga kahanga-hangang pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios sa kasaysayan ng Biblia (tingnan ang Santiago 5:16-18; 1 Hari 17:17-24, 18:16-46).
Ano ang naging katangian ni Elias upang epektibong maharap ang mga hindi mananampalataya, mga katunggali, at mga pinunong pulitikal? Anong uri ng tao ang maaaring gamitin ng Dios tulag ng Kanyang ginawa kay Elias? Anim na katangian ang naging dahilan upang maranasan ng personal ni Elias ang kahanga-hangang kapangyarihan at malapit ng ugnayan sa Dios. Titingnan ngayon natin ang unang tatlo.
Una, ang tugon ni Elias sa balong Phoenicia ay magsisilbing aral ng pagsasaisantabi ng sarili at hayaang kumilos ang Dios. Nang berbal na atakehin siya ng balo, hindi ipinagtanggol ni Elias ang kanyang sarili o di kaya ay binigyan niya ang balo ng aral mula sa Biblia. Kinuha lamang ni Elias ang anak ng balo sa kanyang mga braso at sinubukan siyang tulungan. Alam ni Elias na ang pananalita ng balo ay mula sa pait ng kamatayan ng kanyang anak at ang sumbat ng budhi na kanyang pasan mula sa kanyang paganong paniniwala. Hindi niya binigyang pansin ang kaisipan ng balo, hinayaan ni Elias na kumilos ang Dios.
Pangalawa, ang katanungan ni Elias sa Dios ay inilabas lamang niya sa kanyang tago at prebadong panalangin. Lumakad si Elias na malapit ang ugnayan sa Dios. Alam niya na tanggap siya ng Dios na sabihin ang kanyang mga sintemyento tulad ng kamatayan ng anak ng balo; subalit, ibinulalas lamang ni Elias ang kanyang katanungan noong siya ay prebado ng kumaharap sa Dios. Hindi niya hinayaang mapalala pa ang nanghihinang pananampalataya ng nagsusumakit na balo ng kanyang sariling mga tanungan.
Pangatlo, marubdob na nanalangin si Elias na may pagtitiyaga. Tatlong beses na ipinanalangin ni Elias ang bata. Walang mga panuntunan si Elias ng kaharapin niya ang kalagayang iyon, nagpatuloy lamang siya sa pananalangin
Panalangin: Panginoon, salamat po sa halimbawa ni Elias. Tulungan mo ako na maisagawa ang mga prinsipyong ito ng panalangin sa aking pang-araw-araw ng buha. Dalangin ko ito sa pangalan ni Hesus, Amen.
God’s Strategies – TGL
“Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang lalo ninyong maunawaan ang pag-ibig ng Diyos at ang katatagang nagmumula kay Cristo” (2 Corinto 3:5).
Binago ni Elias ang kalagayan ng kanyang bansa bagamat siya ay nag-iisa at walang sapat na magagamit. Nakagawa ng kakaibang pagbabago ang balo ng gawin niya ang huling kakanin para sa lingkod ng Dios at hindi para sa kanya. Nagbibigay ang Dios ng natatanging pagkilos sa puso ng kanyang mga manggagawa at pinagpapala ang pagsunod na iyon habang may pagpapsakop sa Kanyang makapangyarihang nais.
Madalas, ang mga estratehiya ng Dios ay walang kabuluhan sa atin, subalit hindi tulad Niya, hindi sapat ang ating pananaw. Nang dalhin ng Dios si Elias sa gitna ng nasasakupan ng mga kaaway, Alam ng Dios na iyon na ang huling lugar na makikita siya ng mga sundalo ni Haring Ahab. Alam din ng Dios na ang pagpunta sa Zarephat ay magliligtas kay Elias sa matinding gutom bagamat sinasabi ng sentido kumon na may taggutom. Masmahalaga pa, ipinakita ng Dios kay Elias, na may pagmamalasakit siya sa balo at sa kanyang pamilya na sumasamba kay Baal.
Malimit ay maraming layunin ang Dios sa kanyang sabay-sabay na pagkilos. Kung susundan natin ang kanyang pangunguna, tayo ay pagpapalain at maaari pang maging kasangkapan upang mapagpala ang iba.
May pahiwatig ba sa iyo ang Dios na gawin ang isang bagay na hindi mo binigyang halaga ng panahong iyon subalit iyon ang kanyang makapangyarihang nais. Nangungusap ba sa iyo ang Dios ngayon na lumabas ka sa iyong komportableng kinalalagyan, sa iyong propesyon, o di kaya ay sa iyong pinansyal? Nangungusap ba ang Dios sa iyo ngayon upang tuklasin ang bagong ministeryo o sa iyong relasyon sa Kanya?
Panalangin: Oh Dios, madalas ay hindi ako komportable at nalilito ako sa iyong mga estratehiya, subalit ako ay susunod sa Iyong tawag dahil alam ko na nakikita mo ang mga hindi ko nakikita. Ako ay nagtitiwala na pagpapalain mo ako at gagamitin mo ako upang mapagpala din ang iba dahil sa aking pagsunod sa iyo. Dalangin ko ito sa pangalan ni Hesus. Amen.
Facing a Crossroads – TGL
“At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod” (Josue 24:15).
Sa 1 Hari 18, nakita natin na ang Israel ay nasa mga sangandaan. Nawala na ang kanilang pagkamangha sa Dios. Pasa sa kanila milyong milya ang layo ng Dios. Patuloy pa rin nilang tinatanggap na sumusunod sila kay Jehovah, suballit hindi na Siya bahagi ng kanilang pang-araw-araw ng buhay. Alam ng Dios na sa pamamagitan lamang ng malinaw na paalala ng Kanyang kapangyariahan ang siyang gigising sa mga taong ito mula sa kanilang pagkatulog na espiritwal.
Sa 1 Hari 18:22-39, pinapanood ng mga tao ang kakaibang pagtutunggali. Dalawang sakripisyong toro sa dalawang hiwalay na bunton ng kahoy na susunugin. Sino ang makakagawa ng kababalaghan na makakapagpaapoy sa kahoy—Baal o Dios? Si Elias, sa kanyang buong pagtitiwala sa katapatan ng Dios, ay nanonood habang ang 850 paganong propeta ay sinusubukang gisingin ang kanilang huwad na dios sa pagkakaidlip. Maraming oras na sumayaw ang mga pagano sa palibot ng altar, nagsusumamo kay Baal, at sinusugatan ang kanilang sarili ng kanilangmga patalim.
Lumapit si Elias sa dambana. Tumingin si Elias sa altar ng Dios, na hindi pinansin ng mga tao, at maingat na inayos ito mula sa 12 bato, na kapahayagan ng 12 tribu ng Israel. At kanyang binuhusan ng tubig upang ipakita na ang mangyayaring himala ay mula sa Dios at hindi panlilinlang mula sa kanya. At nang pagningasin at paapuyin ng Dios ang kahoy, sa bandang huli ay natauhan ang mga Israelita. “Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpatirapa sila at sumigaw, “Si Yahweh ang Diyos! Si Yahweh lang ang Diyos!’” (1 Hari 18:39)
Nasasaatin ang muling nabuhay na kapangyarihan ni Hesu Kristo upang itatag ang apoy sa atin, na linisinat pakabanalin tayo. Kapag tayo ay humaharap sa sangandaan sa ating paglakad espiritwal, sa ano mang oras ay maaari tayong humarap sa Dios para sa tamang direksyon.
Panalangin: Ama, salamat sa katapangan ni Elias na harapin ang mga paganong lider. Dalangin ko na tulungan mo ako na makagawa ng tamang desisyon kapag kumakaharap ako sa sangandaan. Dalangin ko ito sa pangalan ni Hesus. Amen.
Blessings Out of Blastings – TGL
“Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig (Mga Awit 5:120.
May siklo ng bagay na madalas nakikita sa buhay ng mga tagasunod ng Dios. Tulad ng pagkatuyo ng batis sa Carit na siyang tumapos sa panahon na tahimik, ang panahon ng kasaganaan sa Sarepta na biglaang nawala para kay Elias. Nakakalunos, na namatay ang anak ng balo, na siyang nagbunsod ng kanyang galit sa Dios at kay Elias (tingnan 1 Hari 17:17-24)
Ang siklo ng pagpapala na nasusundan ng pagkawasak ay hindi na kaiba sa mga tagasunod ng Dios. Madalas ang tagumpay ay nasasamahan ng matinding pagsubok. Naranasan ko ito noong 1987 noong itinatag namin ang aming simbahan. Pinagpala kami ng Dios sa lahat ng bagay na pwedeng pagpalain ang simbahan Dalawamput-walong tao ang dumalo sa unang pagsamba sa loob ng kwarto ng hotel; lumago ang bilang na iyon sa animnapu sa sumunod na linggo, at ang mga tapat na mananampalataya ay patuloy na dumadami. Nakikipagpulong ako sa mga tao sa umaga, tanghali, at gabi, patuloy na nangyayari iyon na nagbunga ng kakaibang paglago.
Subalit noong 1987, nagkaroon ako ng matinding karamdaman na dobleng pneumonia. Wala akong nagawa kundi mahiga. Itinago ako ng Dios gaya ng kanyang ginawa kay Elias at inilagay nga ako sa lugar na tahimik at makinig. Itinuro sa akin ng Dios na makakapaglingkod lamang ako sa iba kung uunahin ko Siyang paglingkuran. Tinuruan Niya ako na wala akong magagawa sa sarili kong lakas at magagawa lamang ang lahat sa Kanya.
Magbibigay ng pagpapala ang Dios mula sa Pagkawasak sa ano mang oras na tayo ay makikinig sa kanyang tinig.
Panalangin: Oh Dios, salamat sa paalala sa oras na ito na may pagpapala ka sa akin maging sa panahon na hindi kanais-nais. Tulungan mo ako na makita ang mga pagpapala ngayon. Dalangin ko ito sa pangalan ni Hesus. Amen.